Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Lisa M. Samra

Walang Higit Na Pag-ibig

Sa pag-alala ng ika-76 na anibersaryo ng D-Day noong 2019, pinarangalan ang higit sa 156,000 na sundalong nakibahagi sa pagpapalaya ng Kanlurang Europa. Sa kanyang panalangin na ipinahayag sa radyo noong Hunyo 6, 1944, humingi si Pangulong Roosevelt ng proteksyon ng Dios, “Nakikipaglaban sila para matigil na ang pananakop. Nakikipaglaban sila para sa kalayaan.”

Ang kusang paglalagay ng sarili sa peligro…

Pagkain Mula Sa Langit

Agosto 2020, nagulat ang mga taga Olten, Switzerland nang umulan ng tsokolate! Nasira ang makina para sa pagpapaikot ng hangin ng pagawaan ng tsokolate kaya napasama sa hanging palabas ng pagawaan ang malilit na parte ng tsokolate. Dahil diyan, nag-alikabok ng tsokolate sa mga kotse at daanan at nangamoy na parang tindahan ng tsokolate ang buong bayan.

Kapag naiisip ko…

Pagpapasalamat

Ang Earth Day ay ginugunita tuwing Abril 22 ng bawat taon. Nang mga nagdaang taon, isang bilyong tao sa halos dalawang daang bansa ang nakikilahok sa mga gawaing ukol sa edukasyon at paglilingkod. Kada taon, ipinapaalala ng Earth Day ang kahalagahan ng pagkalinga sa ating napakagandang mundo. Subalit, ang pagmamalasakit sa sanlibutan ay hindi lamang nagsimula noong Earth Day kundi noon pa man…

Nais Ng Kausap

Noong 2019, inilunsad ng Oxford Bus Company ang tinatawag na “Chatty Bus.” Isa itong bus na may mga nakasakay na taong makikipag-usap sa mga pasaherong nais magkaroon ng kausap. Inilunsad ito dahil batay sa pananaliksik, 30 porsiyento ng mga Briton ang walang nakakausap kahit isang araw lamang sa buong linggo.

Marami sa atin ang nakakaranas ng pakiramdam na mag-isa dahil walang nakakausap.…

Ang Krus

Malungkot ang mga mata sa larawan na Simon of Cyrene na ipininta ni Egbert Modderman. Kita sa mga mata ni Simon ang matinding pisikal at emosyonal na bigat ng responsibilidad niya. Sa kuwento sa Marcos 15, nalaman nating hinila si Simon at sapilitang pinagpasan ng krus ni Jesus.

Sinabi ni Marcos na taga-Cyrene si Simon, isang malaking lungsod sa Africa…